top of page

Fallen 44 (A Reaction Paper)

  • Writer: Eager Beaver
    Eager Beaver
  • Feb 1, 2015
  • 2 min read

Mahalaga sa ating mga mamamayan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa nangyayari sa ating lipunan. Ito ay para sa ating kahandaan kung papaano natin haharapin ang anumang pangyayari, sakuna o di inaasahang bagay. Ito rin ang mag-uudyok sa atin para makapagdesisyon ng tama pagkatapos nito.


Tinaguriang mga bayani ng bayan ang apatnapung apat na mga nasawing sundalo sa Mamasapano noong ika dalawamput lima ng Enero 2015 sa bakbakan ng militar at rebelde kung kaya’t tinawag silang ‘Fallen 44’.


Talagang nakakagimbal ang mga pangyayari sa Mamasapano lalu pang itinataguyod ng gobyerno ang kapayapaan sa ating bansa. Tila walang naging paghahanda ang gobyerno ng pilipinas para maisakatuparan ang mga plano at paglusob, dahilan para masawi ang karamihan sa ating mga sundalo.


Sa hindi maipaliwanag na hakbang, ang mga pinuno at opisyal ng military at PNP ay walang matibay na sagot sa mga katanungan ng sambayanan na kung paano humantong sa madugong bakbakan ang magkabilang grupo. Itinuturong dahilan din ang diumanong pagkakaroon ng kaalaman ng presedente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino, subalit sa mga pananaliksik na ginagawa sa senado, lumalabas na walang alam ang pangulo sa pangyayari, maliban sa araw na iyon na kung saan nakapasok na ang military sa kuta ng rebelde.

Taimtim na nanalangin ang sambayanan para sa mga nasawi at naulila at para na rin sa kapayapaan ng ating bansa, subalit walang kasing sakit ang nararamdaman ng mga pamilya sa kinahantungan ng ‘Fallen 44’ ; walang yaman o madaliang lunas ang makakapagpagaling sa sinapit ng mga ito.


Inihahambing ko ang kaganapan sa Mamasapano sa mga hindi matagumpay na pangyayari sa ating buhay dahil sa mga maling desisyon at pagsunod sa maling utos ng nakakataas. Ang mga magigiting na sundalo ay nakikipaglaban para sa ating bayan upang maitayo ang tamangprinsipyo at maiwasto ang mali, subalit hindi kinakailangang may masawi para lang makita at maramdaman ang ipinaglalaban.


Sa panahon ngayon na mabilis na maipaarating at mailathala ang anumang gustong ipaabot ng magkabilang-panig, hindi na rin imposible angpagkakaroon ng mapayapang pag-uusap. Mahalagang matutukan ng pangulo ang lahat ng mga desisyon ng kanyang kabinete para sa maayosat tuwid na daan patungo sa kapayapaan.


~ scribbled for Thotie Samson

Comments


About Me

© 2023 by Going Places. Proudly created with Wix.com

  • White Facebook Icon
Join My Mailing List

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It’s easy. Just click “Edit Text” or double click me to add your own content and make changes to the font.

 

Read More

 

bottom of page